-- Advertisements --
Sinimulan na ng US ang pagtatayo ng pansamantalang pantalan sa karagatang bahagi ng Gaza.
Lulan ng mga sundalo ang support ship na General Frank S. Besson mua sa Virginia ay dala ang mga kagamitan para sa pagtatayo ng temporaryong pier.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng kautusan ni US President Joe Biden na magtatayo sil ang floating harbour para mabilis na makarating ang tulong sa Gaza sa pamamagitan ng karagatan.
Bukod sa US ay sumama na rin ang European Union para sa pagtatayo ng temporaryong pantalan.
Una kasing ibinabala ng United Nations na marami pa ang magugutom sa Gaza dahil sa limitadong daanan ng mga tulong na pagkain sa mga residente doon.