-- Advertisements --
Tiniyak ng mga senador na agad na aaksyunan ang panukalang excise tax para sa produktong tulad ng alak, sigarilyo at vape.
Ito’y makaraang sertipikahang urgent ng Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing panukala, upang mapunan ang pinalakas na koleksyon ng buwis ng pamahalaan.
Ayon kay Sen. Pia Cayetano, pangunahing paglalaanan ng makokolekta rito ang tulong para sa health related projects ng gobyerno.
“There is a need to increase sin taxes substantially for it to have any health impact. Otherwise, we will fall short at meeting our health objectives,” wika ni Cayetano.
Una nang sinabi ni Senate President Tito Sotto III na aaksyunan nila ang panukala kapag natanggap na nila ang pagsertipika ng Malacanang hinggil dito.