-- Advertisements --

(Update) NAGA CITY – Hinihintay na lang ngayon ng Philippine National Police ang ibababang warrant of arrest ng korte upang maisilbi sa mga suspek sa pag-chop-chop sa negosyanteng mula sa Isabela at dumayo lamang sa Camarines Sur para bumili ng kambing nitong nakaraang buwan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay S/Sgt. Emy Rose Organis, tagapagsalita ng PNP Libmanan, kinumpirma nito na nakilala na ang tatlong suspek sa pagpatay sa biktimang si Socimo Arciaga.

Nahaharap umano ngayon sa kasong murder ang mga suspek na mga taga-probinsiya.

Kaugnay nito, itinuturing na ngayon ng PNP na case closed na ang nasabing krimen.

Kaugnay nito, labis ang pasasalamat ng otoridad sa mga taong nakipagtulungan sa kanilang imbestigasyon upang matukoy ang mga suspek na hindi muna pinapangalanan ng otoridad.

Magugunitang,nadiskobre na lamang ang magkahiwalay nitong katawan sa ilog sa bayan ng Libmanan.

Una rito humingi mismo ng tulong sa Bombo Radyo Naga ang pamilya Arciaga nitong nakaraang buwan ng Hulyo para mahanap ang nasabing negosyante na nawala sa bayan ng Pasacao kung saan ito bumibili ng mga alagang kambing.