ILOILO CITY- Gumawa ng improvised face shields ang mga estudyante ng University of the Philippine Visayas na na stranded sa kanilang mga dormitories dahil sa kanseladong flights at lockdown.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Adrian Camposagrado, chairperson ng University of the Philippines Visayas- University Student Council, sinabi nito na boluntaryo silang tumulong para sa mass production ng nasabing improvise face shields, na maaring gamitin ng mga health professionals.
Ayon kay Camposagrado, ang mga materyales at pondo ay nanggaling mismo sa Philippine College of Physicians-Visayas Chapter at ipinadala sa kanila.
Ani Camposagrado, nakagawa sila ng halos 100 face shields sa loob lng ng ilang oras kung saan yari ito sa foam, acetate at magic tapes.
Nanawagan din si Camposagrado sa mga nagnanais na magdonate na ng materyales sa nasabing face masks na makipag-ugnayan lang sa kanilang tanggapan.