Ipinagpaliban na sa 2021 ang pag-unveil ng wax figure ni 2018 Miss Universe Catriona Gray dahil sa coronavirus pandemic.

Ang nasabing Madame Tussauds wax figure ni Catriona ay matatagpuan sa Singapore.

Umaasa din ang beauty queen na madala ito sa Pilipinas, Singapore, Thailand at Hong Kong.

Kuwento pa nito na talagang napahanga siya sa gumawa dahil sa kakaibang obra ang ipinamalas.

Noong Enero ay inanunsiyo nito na mayroon na siyang wax figure na nakadiplay na sa Singapore.

Siya ang unang Filipino na nagkaroon ng wax figure sa Madame Tussauds Singpore habang si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ay unang Filipino na mayroon wax figure sa Hong Kong.