-- Advertisements --

Nakatakdang ilabas sa Nobyembre 2 ang huling bagong kanta ng The Beatles na “Now and Then”.

Kasabay nito ang kantang “Love Me Do” ang pinakaunang kanta ng Beatles na lumabas noong 1962 sa England.

Dahil sa dalawang miyembro nila ang pumanaw na ay ginawa ang kanta sa galeng ng artificial intelligence.

Ang nasabing “Now and Then” ay mula sa unreleased demos na isinulat ng namayapang si John Lennon na inalis ng dating banda nito para gawin ang kanta gaya ng mga “Free as a Bird” at “Real Love” na inilabas noong 1990.

Sa tulong na rin ng artificial intelligence ay inayos na ni director Peter Jackson ang problema sa pamamagitan ng paghiwalay ng boses ni Lennon sa original vocals mula sa piano na ginamit noong 1970.

Sa parehas kasi na sessions ay ginawa ang “Now and Then” na kanta nina Paul McCartney, Ringo Starr at George Harrison.