Nanawagan ng pagkakaisa si US President Joe Biden sa kaniyang Christmas address na ginanap sa White House.
Ang kanyang christmas wish para sa kahat ng mga Amerikano ay ” love peace and hope” ngayong holiday season.
Damang dama na rin kasi sa white house ang diwa ng pasko na napapalamutian ng mga garland at mga puting pa ilaw.
“The message of Christmas is always important, but it’s especially important through tough times like the ones we’ve been through the past few years. The pandemic has taken so much from us. We’ve lost so much time with one another, we’ve lost so many people, people we loved – over a million lives lost in America alone,” pahayag ni President Biden.
Matatandaan na Limampung taon na ang nakalilipas, nawalan si Biden ng unang asawa at sanggol na anak na babae sa isang car accident ilang sandali bago ang Pasko.
Inaasahan naman ang desisyon ng pangulo sa unang bahagi ng bagong taon kung tatakbo siyang muli bilang pangulo sa taong 2024.
“I know how hard this time of year can be … no one can ever know what someone else is going through, what’s really going on in their life, what they’re struggling with, what to try and overcome. That’s why sometimes the smallest act of kindness can mean so much. So, this Christmas, Let’s spread a little kindness,” dagdag pa ni Biden.