Tinalakay sa pulong ng United Nation Security Council ang patuloy na nagaganap na krisis sa Gaza.
Sa talumpati ni UN relief chief Martin Griffiths, na kada araw ay maraming mga residente ng Gaza ang dumaranas na paghihirap dahil sa patuloy na labanan sa pagitan ng Israel at Hamas.
Sa 36 na pagamutan sa Gaza ay 14 lamang dito ang gumagana ng bahagya dahil sa kakulangan ng mga medical staff at mga suplay ng gamot.
Ikinakabahala din ng UN ang tumitinding labanan sa Khan Younis na dahilan ng paglayas ng mga residente at nagtutungo sila sa Rafah.
Ang Rafah ngayon ay siyang pansamantalang tirahan ng mga nasa 2.2 milyon na mga taga-Gaza kaya ikinabahala ng UN ang pagdami ng mga tao doon.
Nasa 75 porsyento ng mga kabuuang populasyon ng Gaza ang nawalan na ng tirahan.
Dahil sa nasabing patuloy na kaguluhan ay nanawagan ang UN ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Hamas at Israel.