Pinayuhan ni Pasig Mayor Vico Sotto nitong Huwebes ang mga nagpoprotesta sa opisina ng St. Gerrard Construction na huwag gumamit ng karahasan.
Nitong Huwebes ng umaga, nagkalat ng putik ang mga nagrally at nag-spray paint ng salitang “magnanakaw” sa gate ng St. Gerrard Construction sa Pasig, na pagmamay-ari ni Cezarah “Sarah” Discaya.
Nag-alala si Mayor Sotto para sa kaligtasan ng mga security guard, manggagawa, at mga nagpoprotesta dahil hindi naman aniya ang mga tiwali ang matatamaan kung sakaling magkaroon ng gulo sa lugar.
Ipinangako rin ng alkalde na tutulong ang lokal na pamahalaan ng Pasig sa pagsisiyasat at paghabol sa mga may kinalaman sa umano’y anomalya sa flood-control projects.
Samantala nauna nang ni-revoke ng Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) ang lisensya ng lahat ng siyam na kumpanya ni Discaya matapos niyang aminin ang “multiple bidding participation” sa Senado.