-- Advertisements --

Nanawagan ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng alkalde sa Metro Manila na magpatupad ng uniform curfew hours upang maiwasan ang pagkalito ng publiko.

Sinabi ni DILG Undersecretary for Operations Epimaco Densing, maaaring magpatupad ng 10 a.m. to 5 a.m. curfew hours ang mga lokal na pamahalaan sa Maynila, sa ngayon daw kasi ay magkakaiba ang curfew sa bawat lungsod.

Ginawa ng DILG ang rekomendasyon kasabay ng inaasahang pagde-deploy ng mas marami pang pulis sa Metro Manila upang ipatupad ang quarantine measures para obserbahan ang physical distancing at pagsusuot ng face masks.

Ang sinumang lalabg sa minimum health standards ay maaaring pagmultahin o kasuhan, posible rin aniyang gawing parusa ang community service.

Batay sa survey na isinagawa ng OCTA Research group, nabatid na nasa 70% lang ng publiko ang sumusunod sa physical distancing rule at quarantine protocols.

68% naman ang sumusunod sa social distancing at 64% ang nagsusuot ng face shields.