-- Advertisements --
Hinikayat ni United Nations High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet ang bansa na isapubliko ang imbestigasyon sa mga nasawi dahil sa drug war ng gobyerno.
Sinabi nito na mahalaga ang pagsapubliko para agad nilang mapag-aralan ang mga drug cases.
Dapat na makipag-koordinasyon ang gobyerno sa isinasagawang imbestigasyon ng Commission on Human Rights at ilang mga ahensiya.
Ikinabahala din nito ang patuloy na red-tagging sa mga aktibista, environmentalist, mga mamamahayag at iba pa.
Umaasa ito na sa gagawing imbestigasyon ng International Criminal Court sa nagaganap na drug war sa bansa ay mapapanagot ang mga nasa likod ng madugong drug war sa Pilipinas.