-- Advertisements --

Inihayag ng Department of Health na ang unang kaso ng omicron subvariant XBB.1.16 sa bansa, na kilala bilang “Arcturus,” ay nakita sa lalawigan ng Iloilo at gumaling na ang pasyente.

Ayon sa DOH, asymptomatic at naka-recover na ang nakitang XBB.1.16 case sa Iloilo Province.

Kung matatandaan, iniulat ng ahensya ang unang kaso ng “Arcturus” sa pinakahuling ulat ng biosurveillance na inilabas nitong linggo.

Ang XBB.1.16 ay isang descendent lineage ng XBB, isang recombinant ng dalawang BA.2 descendent lineage.

May kakayahan itong umiwas sa immunity at sinasabing mas madaling maililipat.

Itinalaga ng WHO ang XBB.1.16 bilang variant of interest o VOI noong nakaraang linggo kasunod ng patuloy na pagtaas sa pagkalat nito.

Sa ngayon ay kumalat na ito sa 33 bansa.

Hinimok naman ng DOH ang publiko na gumamit ng mas maraming layer ng proteksyon tulad ng pagsusuot ng mask, pag-isolate kapag may sakit at pagtiyak ng maayos na daloy ng hangin sa mga pampublikong lugar.