-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Inaalam na kung sino ang responsable sa pagpaputok ng baril na tumagos pa sa atip sa pamamahay ni Gesto Reyes ng Las Villas subdivision, Barangay City Heigths nitong lungsod.

Ayon kay P/Capt. Ian Salazar, hepe ng San Isidro Police Station na hindi pa matukoy kung sino ang responsable dahil nagpatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon.

Tinitingnan ngayon ng mga imbestigador ang trajectory ng hindi pa malamang kalibre ng baril na sinumite na sa PNP crime laboratory para sa ballistic examination.

Kung manggaling umano sa isang lisensyadong baril madali lamang itong matonton habang pabigat naman sa imbestigasyon kung ang nasabing baril ang hindi rehistrado.

Matatandaan na hindi na naglagay ng masking tape sa mga boka ng baril ang pulisya nitong lungsod dahil iilang taon na ring walang indiscrimante firing na nangyari dito sa lungsod nuong nagdaang taon .

Nalaman na mismong ang may-ari ng nasabing bahay ang nagreport sa Pulisya matapos marinig kagabi ang putok ng baril at nasundan ito ng kalabog at natonton ang isang punglo.

Kinumpirma naman ng opisyal na walang tinamaan sa nasabing ligaw na bala.