-- Advertisements --

Nagpahayag naman ng pagkabahala ang World Food Programme (WFP) na magkakaroon ng matinding kagutuman sa Gaza dahil sa nagaganap na kaguluhan.

Sa kasalukuyan kasi ay limitado ang access ng mga residente ng pagkain at maging ang pagkukuhanan ng malinis na tubig na inumin.

Hindi rin aniya makadaan ang lahat ng mga truck ng mga humanitarian aide dahil sa limitado ang oras na sila ay pinapayagang dumaan.

Dahil sa pangyayari ay nanawagan na rin an WFP gaya ng United Nations at ibang mga ahensiya ng permanenteng tigil putukan.