-- Advertisements --
Patuloy na isusulong ni United Nation Secretary-General Antonio Guterres ang complete humanitarian ceasefire.
Sinabi ng kaniyang tagapagsalita na si Stephane Dujarric na mas mahalaga na gawing complete humanitarian ceasefire kaysa temporaryo lamang.
Mararapat na ipagtuloy pa rin ang pag-uusap na magreresulta sa magandang pakikipagkasundo at magreresulta sa full humanitarian ceasefire.
Muli rin itong nanawagan sa mga Hamas na dapat ay pakawalan na ang kanilang mga bihag.
Mula ng magsimula ang apat na araw na tigil putukan ay dinoble ng UN ang kanilang pagpapadala ng mga humanitarian aide sa mga sibilyang naipit sa kaguluhan sa Gaza.