Hayagang itinanggi ng aktres na si Nadine Lustre ang isang viral post na iniuugnay sa kanya tungkol sa “Mirror Method,” isang konsepto na nagsasabing dapat sukliin ang parehong antas ng atensyon o pagwawalang-bahala mula sa mga kaibigan at mahal sa buhay.
Ang kumalat na quote card ay nagsasabing, “’Di ka nila binati nung birthday mo? Don’t greet them also… just give them the same energy they’re giving to you.” Subalit, sa kanyang social media, iginiit ni Nadine na hindi siya ang nagsabi ng mga pahayag na iyon.
Ibinahagi pa ni Nadine ang kanyang personal na pananaw, sinabing hindi siya naniniwala sa “mirroring coldness” o sukling hindi pagpapakita ng malasakit, at mas pinapahalagahan niya ang pagiging mabuti kahit walang kapalit. “Kindness isn’t for them, it’s for YOUR soul,” aniya.
Nagbigay din siya ng payo sa mga nakakaranas ng masama mula sa iba: “You can walk away without carrying heaviness in your heart. It’s the quiet, steady peace of knowing you’ve already forgiven them, even if they never asked.”