-- Advertisements --

Ibinahagi ni , Filipino-French businessman Christophe Bariou ang nobyo ng actress na si Nadine Lustre ang panggigipit at kurapsyon mula sa mga opisyal ng Siargao.

Sa social media account ng negosyante, ay nakaranas sila ng harassment matapos na hindi sila nagbigay ng P50-milyon na hinihingi mula sa kinatawan ng hindi na pinangalanang opisyal ng gobyerno.

May kinalaman ito sa isang proyekto sa isla na Union-Malinao Bridge, kung saan kontra sila ng aktress.

Mula ng kinontra nila ang proyekto ay hinihingian sila ng P50-M para umano maayos ang mga kinakaharap na problema ng kaniyang negosyo.

Dahil dito ay ipinarating na niya ang reklamo sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) at kay Public Works and Highways Secretary Vince Dizon.