-- Advertisements --

Naglabas ng pagkabahala si United Nation Secretary General Antonio Guterres sa patuloy na nagaganap na kaguluhan sa Ukraine.

Sa kaniyang talumpati sa UN Security Council meetin kung saan nandoon din ang mga representative ng Russia at Ukraine ay hindi nito mapigilan na ilabas ang kaniyang pagkabahala dahil sa marami na ang nasawi.

Hindi aniya katanggap-tanggap ang paggamit ng nuclear weapon dahil sa hindi lamang Ukraine ang matatamaan at maging ang ibang bansa.

Dapat aniya na sisisihin ang Russia sa ginawang pagbomba nito sa Ukraine na ikinasawi ng maraming mga sibilyan.

Isa rin na ikinakabahala nito ay ang sitwasyon ng Zaporizhzhia nuclear plant dahil sa ito ay inaatake ng mga Russian.