Ikinagulat ni United Nations Secretary-General Antonio Guterres maling interpretasyon sa naging pahayag nito ukol sa pag-atake ng Hamas militants sa Israel.
Umani kasi ang pahayag ng US Sec-Gen sa UN Security Council meeting sa New York kung saan tila kinikilala pa nito ang ginawang pag-atake ng mga Hamas militants.
Sinabi kasi nito na hindi masisi ang mga Palestine dahil sa loob ng 56 taon ay hindi na sila makahinga sa nagaganap na occupations at ang patuloy na kaguluhan na may negatibong epekto sa kanilang ekonomiya at maraming mga katao ang nawalan ng tirahan.
Iginiit nito na hindi niya sinusuportahan ang anumang atake na ginawa ng mga Hamas militants sa Israel.
Tanging kinaaawaan niya ay ang mga Palestines na naiipit sa kaguluhan at hindi dapat purihin ang mga Hamas sa ginawa nilang pag-atake.