-- Advertisements --

Patuloy ang panawagan ng United Nations na dapat ay protektahan ng ang mga sibilyan sa Gaza.

Kasunod ito sa ilang libong Palestinian na ang nasawi mula ng bombahin ng Israel ang Gaza.

Kasama rin sa nasawi ang 11 guro at 30 mag-aaral sa paaralan na pinapatakbo ng UN.

Mayroong mahigit 220,000 na katao ang nawalan na ng tirahan dahil sa patuloy na airstrikes na ikinasira ng mahigit na 1,000 mga kabahayan.

Sinabi ni UN spokesman Stephane Dujarric na mahalaga ang pagkakaroon ng daanan para makaligtas ang mga sibilyan na naiipit sa labanan sa Gaza.

Ibinunyag din ng Israeli military na mayroong 189 na sundalo nila ang kasama sa mahigit 1,200 na nasawi sa Israel.

PInabulaanan din ng Israel na nagkaroon ng suspected inflitration sa kanilang airspace mula sa Lebanon.

Ayon pa sa Israel Defense Forces na nagkaroon lamang ng human error kaya tumunog ang nasabing serina.