-- Advertisements --
Inilunsad ng United Nations ang $1 bilyon na apila para matulungan ang mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkey.
Ang nasabing halaga ay gagamitin ng UN para tulungan ang nasa 5.2 milyong katao na apektado ng lindol sa loob ng tatlong buwan.
Una ng umapila ang UN ng $400 milyon na funding para sa mga biktima ng lindol sa Syria.
Humiling din ng International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies ng $700 milyon funding para matulungan ang mga biktima ng lindol sa Turkey at Syria.
Magugunitang tuloy-tuloy ang ginagawang search and rescue mula sa iba’t-ibang bansa kung saan aabot na sa mahigit 40,000 katao na ang nasawi.