Nagbabala ang United Nations na makakaranas ng mass exodus sa Sudan dahil sa patuloy na labanan ng magkalabang grupo kahit na may ipinapatupad na ceasefire.
Kapwa nagtuturuan ang Sudanese army at ang paramilitary group na Rapid Support Forces.
Mula ng magsimula ang labanan noong Abril 15 ay mayroon ng 528 katao ang nasawi at 4,599 na ang sugatan.
Muling bumalik ang operasyon ng World Food Programme sa lugar matapos na nasawi ang kanilang staff members.
Sinabi ni United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) chief Filippo Grandi na kapag hindi huminto ang kaguluhan ay nakahanda silang maglikas ng nasa 800,000 na residente ng nasabing bansa.
Magugunitang balak kasi ng grupong RSF na kontrolin ang gobyerno kaya sila ay hinarang agad ng mga sundalo ng Sudan.