-- Advertisements --
Nababahala ang United Nations (UN) dahil sa patuloy na nararanasan ang negatibong epekto ng paglusob ng Russia sa Ukraine.
Sinabi ni UN Secretary General Antonio Guterres na may malaking epekto sa food security, energy at finance ang nasabing kaguluhan sa dalawang bansa.
Apektado dito ang mahigit na 1.6 bilyon na katao sa buong mundo.
Pinangangambahan nito na kung ngayon taon ay ang suliranin na kinakaharap ay ang access sa pagkain ay baka sa susunod na taon ay maaaring ang kakulangan na ng pagkain.
Nanawagan na lamang ito na dapat matigil na ang nasabing kaguluhan sa dalawang bansa.