-- Advertisements --
Nagpahayag ng pagkabahala ang United Nations (UN) dahil nadadamay na ang kanilang mga aid workers at pasilidad sa patuloy na labanan sa Sudan.
Sinabi ni UN aid chief Martin Griffiths na may mga ulat na nakarating sa kaniya na ginagahasa ang kanilang mga aid workers.
Maging ang kanilang pasilidad sa Sudan ay hindi pinapalampas na tamaan ng mga bala ng magkalabang grupo.
Nabiktima rin ng mga looters ang kanilang UN aid office sa South Darfur.
Bagamat nagkaroon ng ceasefire ay patuloy pa rin ang pagpapalitan ng putok ng mga Sudanese army at paramilitary Rapid Support Forces (RSF).
Nanawagan ang World Health Organization (WHO) na dapat ay huwag pagdamutan ang mga tao na makakuha o makapunta sa mga medical facilities.