-- Advertisements --

Kinondina ng United Nations ang ginawa ng Taliban sa pagbabawal sa mga kababaihan ng Afghanistan na magtrabaho sa kanilang oragnisasyon.

Ipinag-utos ni UN Secretary General Antonio Guterres ang Afghanistan na bawiin ang nasabing kautusan.

Ang nasabing hakbang aniya ay isang uri ng diskriminasyon at paglabag sa international human rights law.

Dagdag pa nito na mahalaga ang mga kababaihan sa kanilang organisasyon.

Mula ng kontrolin ng Taliban ang Afghanistan noong 2021 ay naghigpit sila sa mga kababaihan.

Ilan sa mga paghihigpit ay ang hindi pagbabawal sa mga kababaihan na makapag-aral sa kolehiyo ganun din ang pagtrabaho sa mga government offices.