-- Advertisements --

Tumanggap ang Department of Energy (DOE) ng mahigit P57 million mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) bilang bahagi ng taunang kontribusyon nito sa Renewable Energy Trust Fund (RETF), alinsunod sa Renewable Energy Act of 2008.

Nabatid na ang pondo ay naglalayong isulong ang mga proyekto para sa malinis at makabagong teknolohiya sa enerhiya.

Sa bisa kasi ng Department Circular No. DC2022-06-0018, aktibong pinamamahalaan ng DOE ang RETF kasama ang mga ahensya tulad ng Department of Science and Technology (DOST) at DOST-PCIEERD.

Bukod dito kasalukuyan namang sinusuportahan ng pondo ang mga proyekto gaya ng sustainable aviation fuel production, renewable energy mapping, at solar PV market studies.