-- Advertisements --

Nagbabala ang United Nations ang paglobo ng mga batang masasawi dahil sa labis na kagutuman sa Gaza.

Ayon kay UN Secretary General Antonio Guterres, na sa anim na buwan ng mula sumiklab ang kaguluhan sa labanan ng Israel at Hamas ay mas dumami pa ang mga sibilyang nagdadamay.

Ang nasabing giyera ay maituturing na isa sa pinakamatinding labanan sa sibilyan, aid workers, journalists at medical pesonnel.

Ikinabahala din nito ang plano ng Israel na paggamit ng artificial intelligence para malaman ang kanilang target kung saan dahil umano dito ay baka dumami pa lalo ang mamamatay na sibilyan.

Muling ipinanawagan nito ang pagbubukas ng mga border para maluwag na makadaan ang lahat ng mga aid trucks na magbibigay ng tulong sa mga mamamayan ng Gaza na naiipit sa kaguluhan.