-- Advertisements --
Tinawag ng United Nations na wala ng makakapantay pa sa nangyayari ngayon sa Gaza .
Sinabi ni UN Secretary-General Antonio Guterres, na dumarami na ang mga batang namamatay dahil sa labis na kagutuman.
Dagdag pa nito na hindi na mapipigilan ang pagdami ng nagugutom hanggang hindi maipapatupad ang ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas.
Dahil dito ay nanawagan ang UN chief sa mga bansa na dagdagan at bilisan nila ang pagbibigay tulong sa mga mamamayan ng Gaza.
Magugunitang hindi pinapayagan ng Israel ang pagpasok ng truck na may dalang ng mga pagkain para sa mga mamamayan ng Gaza.