-- Advertisements --

Ikinabahala ng United Nations ang matinding pinsala at epekto sa mga tao ng Lebanon ang patuloy na pag-atake ng Israel.

Ayon sa United Nations Refugee Agency (UNHCR), na dahil sa pinalawak at pinaigting na atake ng Israel ay nagreresulta sa paglikas ng maraming sibilyan.

Nasa mahigit 1.2 milyon katao na ang napiitang lumikas sa kanilang mga kabahayan mula ng atakihin ng Israel ang Lebanon.

Sa pagdaan aniya ng mga araw ay patuloy na tumaas ang bilang ng mga residenteng lumilikas.

Nagkukulang na rin ang mga pansamantalang tirahan ng mga inililikas dahil sa kaguluhan.

Magugunitang pinaigting ng Israel ang pag-atake sa Lebanon matapos na magpalipad ng missiles ang Hezbollah militant mula sa Lebanon kasabay ng pinagsamang pag-atake ng Israel at US sa Iran.