-- Advertisements --
Hinikayat ni United Nation chief Antonio Guterres ang mga mayayamang bansa na buwisan ang mga fossil fuel companies.
Ang nasabing makukulektang buwis aniya ay magagamit para tulungan ang mga bansa na tinatamaan ng climate change.
Makakatulong din ito sa mga taon na dumaranas ng kakulangan ng pagkain at naapektuhan ng pagtaas ng enerhiya.
Sa talumpati nito sa harap ng mga world leaders sa 193-member UN General Assembly sa New York.
Nauna ng nagpatupad ang Britanya ng 25% windfall tax sa oil at gas producers sa North Sea habang ang US ay patuloy na pinag-aaralan ang parehas na hakbang.