-- Advertisements --
Binatikos ng United Nations ang kaparaanan na ginagawa ng Taliban government sa Afghanistan sa mga babaeng inabuso.
Ang mga biktima kasi ng abuso ay kanilang ikinukulong para na rin aniya sa kanilang proteksyon.
Ayon sa United Nations Assistance Mission in Afghanistan’s (UNAMA), lalong tumataas ang bilagn ng mga pang-aabuso ng Taliban government sa mga kababaihan sa Afghanistan.
Mula ng pamunuan ng Taliban ang Afghanistan noong 2021 ay tumaas ang bilang ng mga hindi tamang pagtrato ng gobyerno sa mga kababaihan.
Ilan sa mga dito ay ang pagbabawal sa mga kababaihan na mag-aral ganun din ang pagpasok sa trabaho.
Iginiit din ng grupo na hindi tumutupad ang Taliban sa naging pangako nila noon na hindi sila magiging mahigpit sa mga kababaihan.