-- Advertisements --
Nababahala ang United Nations sa patuloy na pagpapaulan ng missiles malapit sa Zaporizhzhia nuclear power plants sa Ukraine.
Ayon kay UN Secretary General António Guterres na kapag hindi natigil ang kaguluhan ay magiging panganib ito sa tinaguriang pinakamalaking nuclear plant ng Europa.
Binalaan na rin ng Ukraine ang Russia na kapag itinuloy ang nasabing pagpapaulan ng missile sa planta ay magdudulot ito ng malaking pinsala.
Magugunitang naglagay na ng base ang Russia sa nasabing planta kung saan doon sila nagpapakawala ng mga missiles para hindi sila gantihan ng Ukraine dahil sa pangamba na matamaan ang nasabing planta.