-- Advertisements --
Binigyang-diin ng Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi na dapat isasailalim sa panibagong 14-day quarantine ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na umuuwi sa kanilang mga lalawigan matapos ma-stranded ng halos isang buwan sa Metro Manila.
Sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya, sumailalim na sa quarantine ang mga nasabing OFWs at negatibo na sa COVID-19 PCR test.
Ayon kay Usec. Malaya, tanging mga nakakalusot na walang dalang negative test result ang isasailalim sa quarantine pagdating sa kanilang lalawigan.
Naghirap na daw ang mga OFWs sa kahihintay ng pag-uwi kaya hayaan na silang makauwi sa kanilang mga bahay at makasama ang kanilang pamilya basta negatibo naman sa test.