Mistulang debate sa online world kung bahagi ba ng April Fool’s Day ang pagkalat ng sinasabing video scandal ng OPM (Original Pilipino Music) legend na si Jim Paredes.

Gayunman, burado na umano ang video pero kanya-kanyang share at retweet sa screenshot mula sa umano’y scandal kung saan makikitang naka-earphones ang sinasabing si Paredes, 67-anyos.

Kabilang pa sa screenshot ay ang paglagay nito ng index finger o hintuturo sa bibig na tila sumisenyas na huwag maingay, at ‘yaong anggulo na tila pinaglalaruan nito ang ari pero tinakpan na ng tinatawag na emoji.

Sa mga oras na ito ay wala pang official statement ang dating miyembro ng APO Hiking Society.