Pinabulaanan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief, General Romeo Brawner Jr. ang balibalitang pagkakaroon ng kudeta ng ilang miyembro ng militar para mapatalsik sa pwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Gen. Brawner , hindi ito mangyayari hanggang siya ang pinuno ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Sa kanyang pahayag, muling nitong pinagtibay ang hindi natitinag na pangako ng militar na pagsunod sa konstitusyon at sa chain of command.
Giit ng opisyal na hindi matitinag ang AFP sa mga ingay na ito na ipinapakalat sa social media.
Muling umalingawngaw sa social media ang umano’y hindi pagkakasundo sa loob ng hanay ng militar matapos maaresto si dating pangulong Rodrigo Duterte.
Una nang sinabi ng Heneral na hindi mareresolba ng military junta ang kasalukuyang problema ng bansa.
Kaugnay nito ay binalaan ni Brawner ang mga indibidwal na nagpapakalat ng planong kudeta na mahaharap ito sa kaukulang kaso.