Mananatili pa rin ang mga pag-ulan at baha kahit humina na ang bagyong Auring at naging low pressure area (LPA) na lamang.

Ayon sa ulat ng Pagasa, kumalat ang ulap na dala ng sama ng panahon, kaya maging ang nasa malalayong lugar ay inuulan na rin.

Huling namataan ang LPA sa layong 50 km sa kanluran timog kanluran ng Legazpi City, Albay.

Habang ang hanging amihan naman ang nagdadala ng ulan sa Northern Luzon, kasabay ng malamig na hangin tuwing gabi at umaga.