-- Advertisements --
Napatay ng mga hinihinalang Russian snipers ang isang Ukrainian journalist.
Si Bogdan Bitik ay kinuhang interpreter ng Italian reporter na si Corrado Zunino na tinamaan naman sa balikat.
Kuwento ni Zunino na dumaan sila ng tatlong checkpoints sa Ukraine bago naganap ang pamamaril.
Bigla na lamang itong natumba kaya mabilis din siyang nakapagtago subalit tinamaan ito sa balikat.
Aabot na sa 15 mga media workers at journalist ang nasawi mula ng sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Ayon sa National Union of Journalist sa Ukraine na isang malinaw na war crimes laban sa Russia ang nagaganap na pagdamay sa mga mamamahayag.