-- Advertisements --
Tiniyak ng Ukraine na hindi nila gagamitin sa teritoryo ng Russia kapag mabigyan sila ng mga long range missiles.
Ito ang ginawang pagtitiyak ni Ukrainian Minister of Defense Oleksii Reznikov sa ginawang pulong niya sa European Commission.
Patuloy din ang panawagan niya sa kaalyadong bansa na tulungan sila para makapag-establish ng anti-missile defense capabilities.
Sapat na aniya ang mga temporaryong lugar na sinakop ng Russia bilang kanilang target.
Magugunitang nangako ang US na magbibigay ng Patriot Missiles sa Ukraine bilang pangontra sa mga missile attack ng Russia.