-- Advertisements --

Sinimulan na ng Ukraine ang imbestigasyon sa pagbagsak ng Russian military transport plane sa Belgorod region.

Ang nasabing insidente na pagkabagsak ng IL-76 Russian Air Force na lulan ng 65 Ukrainian prisoners, anim na Russian crew members at tatlong sundalo ng Russia at ito ay isinisi sa Ukraine.

Giit ng Russia na dahil sa insidente ay naapektuhan ang ginagawa nilang prisoner swaps.

Inakusahan naman ni Ukrainian President President Volodymyr Zelenskyy ang Russia na pinaglalaruan ang buhay ng mga bihag nila.

Nanawagan din ang Ukraine President ng international inquiry ukol sa nasabing insidente dahil hindi nila kontrol ang lugar kung saan nangyari ang insidente.