-- Advertisements --
Papayagan makapagtalumpati si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa 77th sessions ng UN General Assembly.
Sa ginawang botohan ng UN General Assembly mayroong 101 ang sumang-ayon habang pito ang hindi pumayag at 19 naman ang nag-abstain.
Ang mga bansa na hindi pumayag na makapagtalumpati si Zelensky sa pamamagitan ng video link ay ang Russia, Belarus, North Korea, Eritrea, Nicaragua, Syria at Cuba.
Kabilang naman ang China sa mga bansang nag-abstain.
Magaganap ang General debat sa Assembly mula Setyembre 20 hanggang 26.