-- Advertisements --

Nagkausap na sina Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy at Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kinumpirma ito ni Zelensky ang nasabing kauna-unahang pag-uusap nila sa telepono ni Marcos.

Sinabi ng Ukrainian president na tinalakay nila ang malalim na kooperasyon.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay ibinunyag ni Denys Mykhailiuk, chargé d’affaires of the Embassy of Ukraine in Malaysia na matagal na silang humiling na makausap si Marcos noon pang Hunyo 2022.

Sinabi naman ni Marcos na walang magiging problema sa nasabing hirit ng Ukrainian president dahil sa malaya itong kausapin ang sinuman para sa kapayapaan.