-- Advertisements --

Dumating na sa US si Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Agad itong magtutungo sa White House para makasalamuha si President Joe Biden.

Naging mahigpit naman ang ipinatupad na seguridad ng mga otoridad sa paligid ng White House dahil sa pagdating ng Ukrainian President.

Ito kasi ang unang biyahe ni Zelensky mula ng lusubin sila ng Russia noong Pebrero.

Inaasahan na tatalakayin dito ang ilang bilyong dolyar na halaga ng military aid ng US sa Ukraine.