-- Advertisements --
Itinanggi ni Ukraines President Volodymyr Zelensky na isusuko nito ang isa sa kaniyang teritoryo sa Russia para magkaroon ng kapayapaan.
Sinabi ng Ukraine President na kapag ginawa nila ito ay tiyak na babalik at babalik ang Russia para makakuha muli ng mga teritoryo ng Ukraine.
Tanging paraan aniya para maibalik ang kapayapaan ay ang tulong na ibibigay ng mga kaalyadong bansa.
Magugunitang noong nakaraang mga linggo ay nakipagpulong ito sa mga opisyal ng United Kingdom at European Union para makahirit ng mga suportang militar at mapalayas ang Russian forces.