-- Advertisements --

Kinumpirma ng Ukraine na sila ang nasa likod na pagpapasabog ng tulay na nagko-konekta sa Russia at Crimean Peninsula.

Ayon sa security service ng Ukriane na mayroong silang mga itinanim na bomba sa ilalim ng Kerch Bridge.

Ang nasabing operasyon ng pagtatanim ng bomba ay umabot pa sa ilang buwan bago ito tuluyang maisakatuparan.

Gumamit aniya sila ng nasa 1,100 kilos ng mga pampasabog kaya naging matindi ang pinsala ng nasabing tulay.

Ito na ang pangatlong pinakamatinding pag-atake ng Ukraine sa vital supply line ng Russia mula ng magsimula ang giyerno noong 2022.

Ang insidente rin ay ilang araw matapos ang matagumpay na drone attack ng Ukraine sa Russia na ikinasira ng mga cruise missile carriers ngRussia.