-- Advertisements --

Nagpadala ang Ukraine ng nasa 45 na buses para mailikas ang mga sibilyan na naipit sa lungsod ng Mariupol dahil sa pag-atake ng Russia.

Sinabi ni Ukrainian Deputy Prime Minister Iryna Vereshuck na kinumpirma rin sa kanila ng International Committee of the Red Cross (ICRC) na pumayag ang Russia na buksan ang humanitarian corridor sa Mariupol.

Ilang daan libong mga sibilyan pa kasi ang nananatili sa lugar dahil sa nangyaring pagbobomba.

Nauna na ring sinabi ng Russian defense ministry na ang United Nations refugee agency at Red Cross ay tutulong sa paglikas sa mga sibilyan at ang nasabing ceasefire ay papayagan ang mga tao na bumiyahe sa Zaporizhzhia sa Berdyansk port na kontrolado ng Russia.