Nagpasa ng panukalang batas ang Ukraine na nag-aatas sa ilang mga inmates na sumali sa armed forces para labanan ang Russia.
Ang nasabing hakbang ay dahil sa nagkukulang na ang bilang ng mga sundalo ng Ukraine dahil sa pinaigting na pag-atake ng Russia.
Pirma lamang ni President Volodymyr Zelenskyy ang kailangan para ito ay tuluyang maging batas.
Nakasaad sa nasabing panukala na boluntaryo ang nasabing panghihikayat sa mga inmates at hindi sila pipilitin na sumali.
Tanging mga inmates na mayroong tatlong taon na natitira sa kanilang hatol ang maaring mag-apply at ang mga preso na mga interesado ay mabibigyan ng parole.
Magugunitang nagpasa rin ng batas ang Ukraine na bawasan ang edad ng mga nais pumasok sa sundalo dahil sa nagkukumahog sila sa bilang ng mga sundalo na lalaban sa Russia.