-- Advertisements --
Nagkukumahog ngayon ang Ukrainian army dahil sa kakulangan ng bilang ng kanilang sundalo.
Sinabi ni Ukrainian commander-in-chief Oleksandr Syrskyi na maraming mga sundalo na nila ang umatras mula sa posisyon sa eastern Donetsk region dahil sa hindi nila nakakayanan ang magkakasunod na atake ng Russia.
Dahil dito ay sinasamantala ng Russia ang pagkakataon kung saan dinoble nila ang pag-atake.
Umaasa naman ang Ukraine na mabilis na maibigay ng US ang kanilang $61-bilyon na military aide para may pandagdag na laban sa Russia.