-- Advertisements --
Ipinatawag ng Ukraine ang envoy ng Vatican matapos ang naging pahayag ni Pope Francis na dapat sumuko na sila sa Russia.
Sinabi ni Apostolic Nuncio Visvaldas Kulbokas na labis na nadismaya ang Kyiv sa naging pahayag na ito ng Santo Papa.
Iginiit naman ni President Volodymyr Zelensky na bumubuti naman ang posisyon ng Ukraine.
Ito ay kahit na nakabinbin ang tulong ng mga kaalyadong bansa ng Ukraine.
Magugunitang umani ng batikos ang pahayag ni Pope Francis ng sabihin na marapat na sumuko na lamang ang Ukraine para matigil na ang kaguluhan nila sa Russia.