-- Advertisements --

Inakusahan ng Ukraine ang Russia na sila ang nasa likod ng malawakang cyber-attack.

Aabot kasi sa mahigit 70 na mga government websites ang napasok ng mga cyber hackers.

Bago tuluyang mawala ang nasabing websites ay may nakasulat na mensahe na nagbibigay babala sa mga Ukrainians na dapat paghandaan ang mas mabigat na pag-atake.

Ibinahagi rin ng information ministry ng Ukriane na mas naunang ilathala ng Russian news agency ang cyber-attack sa kanila ilang oras bago ang nangyaring pang-aatake.

Noong nakaraang taon din aniya ay kanilang napigilan ang nasa mahigit 1,200 na cyber-attacks o insidente.

Mariing kinondina naman ng US at ilang mga NATO countries ang ginawa na ito ng Russia.

Magugunitang naglagay ang Russia ng mahigit 100,000 na sundalo.