-- Advertisements --

Inakusahan ng Ukraine ang Russia na ginamit ang Belarus bilang nuclear hostage.

Kasunod ito sa anunsiyo ni Russian President Vladimir Putin na pagpapakalat ng tactical nuclear weapons sa kaalyadong bansa na Belarus.

Ayon kay Oleksiy Danilov ang National Security and Defense Council na ang hakbang ay tila isang internal destabilization sa nasabing bansa.

Magugunitang nagkasundo sina Putin at Belarus President Alexander Lukashenko na ilagay ng Russia ang tactical nuclear weapons sa Belarus ng hindi lumalabag sa kanilang international agreements.